SIYAM na pasahero at tatlong Crew ng Philippine Airlines (PAL) ang sugatan makaraang maka-encounter nang tinatawag na severe Non-Clear Air Turbulence (Non-CAT) habang nasa himpapawid.
Batay sa impormasyon ang PAL flight PR113 ay patungong Manila mula sa Los Angeles California via Honolulu lulan ang 155 pasahero nang masagupa ng kanilang sinasakyang eroplano ang turbulence na hindi kalayuan Philippine territory.
Ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna, tinatayang nasa dalawang oras bago mag-landing sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) runway nang masorpresa ang piloto dahil hindi nito na-detect na may turbulence kung kaya’t walang nagawa kundi paalalahanan ang mga pasahero at crew na higpitan ang kanilang seat belts.
Kaya’t ani Villaluna, wala ng oras upang maalarma o mapagsabihan ang mga crew at mga pashero dahil sa biglaang pangyayari.
Paliwanag naman ng piloto, ” there are two kinds of turbulence, the one can be detected by the radar system of the aircraft and the other one is undetected by the radar or Non-Clear Air Turbulence (Non-CAT).
Dagdag pa ng piloto, ang mga pasaherong nagtamo ng injuries ay ang nasa lavatory at ang iba ay maluwag ang seat belt, o unaware sa mangyayaring sakuna habang nasa ere.
Agad nama na dinala ang mga sugatang pasahero at crew members sa Makati Medical Center upang lapatan ng kaukulang lunas habang ang isang pasahero ay naka-confined sa naturang.
FROILAN MORALLOS