(Sa Nueva Vizcaya) P12-M LUGI NG HOG RAISERS DAHIL SA ASF

BABOY-ASF

UMABOT sa kabuuang P12 million ang nawala sa mga hog raiser sa Nueva Vizcaya kasunod ng outbreak ng African swine fever (ASF) na tumama sa lalawigan.

Ayon kay Christopher Seraspi ng Nueva Vizcaya veterinary office, sa kasalukuyan ay nasa 1,294 baboy na ang nasawi dahil sa ASF sa lalawigan, na nasa ilalim ngayon ng state of calamity sanhi ng outbreak.

Aniya, patuloy ang local authorities sa pagkatay sa mga baboy na apektado ng ASF.

Idinagdag pa niya na 45 villages sa walong bayan sa Nueva Vizcaya ang kasalukuyang nakikipaglaban sa ASF.

Nakahanda naman, aniya, ang Nueva Vizcaya government na magkaloob ng financial assistance sa hog raisers: P5,000 sa bawat ASF-hit adult pig at P2,500 kada biik.