INIHAYAG kahapon ng city government na nagsisimula na ang Face to face classes ng city-run na Universidad de Manila/UDM (dating City College of Manila) na nagbibigay ng libreng edukasyon sa kolehiyo para sa mga mahihirap pero deserving na mag-aaral ay pinayagan na para magsagawa ng face-to-face classes para sa mga kursong Nursing and Physical Therapy.
Sa pangunguna ni UDM President Felma Carlos-Tria ay pumasa sa inspection na ginawa ng Commission on Higher Education (CHED) noong Miyerkules ang nasabing pamantasan para sa mahihirap .
Ang face-to-face classes ay nagsimula nitong Huwebes at tiniyak ang kalidad ng edukasyong ay makukuha ng mga estudyante nang hindi sinasakripisyo ang kalusugan ng mga ito.
Siniguro rin ni Trial na masusunod ang safety measures sa campus, upang pawiin ang pag-aalala ng mga magulang at maging ng mga mag-aaral mismo.
Iniulat din ni Tria na lahat ng full-time employees ng UDM ay pawang mga fully vaccinated na kontra COVID-19.
Mahigpit din nakikipag-coordinate sa Manila Health Department at Department of Health ang UDM upang tiyakin ang proteksyon ng mga mag-aaral sa unibersidad.
“We have gone beyond the minimum requirements to ensure a safe campus for our students,” ani Tria.
Nabatid na ang ginawang face-to-face classes nitong Huwebes ay return demo pa lang kung saan limitado pa ang bilang ng mga estudyante.
Sa isang linggo ay may 40 na mag-aaral na ang papasok para sa simula ng kanilang face-to-face classes.
VERLIN RUIZ