(Sa Okt. 11-28) 192 OFWs SA LEBANON UUWI NA

MAY kabuuang 192 overseas Filipino workers (OFWs) sa Lebanon ang uuwi na hanggang sa katapusan ng buwan, ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac.

Sa isang briefing sa Malakanyang, sinabi ni Cacdac na ang mga OFW ay ibinu-book sa iba’t ibang commercial flights simula ngayong Biyernes, Oktubre 11, habang 11 ang nakatakdang dumating ngayong weekend.

Nasa 192 ang kasalukuyang naka-book sa commercial flights simula Oktubre 11 hanggang Oktubre 28, sa ilalim ng dalawang hindi pinangalanang commercial airlines.

Samantala, may 413 OFWs ang hindi pa naproseso ng Lebanese immigration authorities.

Tiniyak ni Cacdac sa publiko na ang 179 Pinoy sa apat na shelters ng DMW sa Beirut ay “safe and sound” at isang nurse, isang social worker, at isang doktor ang nagsasagawa ng rounds upang matiyak ang kalusugan ng OFWs.

Aniya, marami pang Pinoy ang maaaring ma-accommodate ng mga shelter.

Sa kasalukuyan ay may mahigit 11,000 Pilipino na naka-base sa Lebanon, karamihan ay nasa Beirut. Sa naturang bilang, mahigit 1,000 OFWs lamang ang nagpahayag ng intensiyon na umuwi.

Sinabi ni Cacdac na ang kanilang dahilan ay maaaring ang nature ng kanilang trabaho at income.

“I think 98% of OFWs in Lebanon are domestic workers, therefore their place of work would be their employers’ households. So they are, should I say, they are devoted to in their service, they might have stayed long enough to have a sense of loyalty and commitment to serve. That could be one reason: the nature of work. They don’t work in corporate or factories, where it’s easier to facilitate their release and return,” aniya.

“And, of course, the income is there. But we have already discussed the matter, the loss of income if they come home,” dagdag pa niya.