(Sa online purchases – BIR) SENIOR, PWD DISCOUNTS MANDATORY

SINABI kahapon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na mandatory ang discounts na ipinagkakaloob sa senior citizens at persons with disabilities (PWDs) para sa qualified purchases na isinagawa online o sa pamamagitan ng mobile applications.

Nakasaad ito sa Revenue Regulations No. 8-2023 na inisyu ni Commissioner Romeo D. Lumagui Jr.

Nakapaloob din sa RR No. 8-2023 na hindi na kailangan ang pirma ng seniors o PWD para sa qualified purchases na isinagawa online o sa pamamagitan ng mobile applications.

“Online platforms should recognize the mandatory discounts given to Senior Citizens and Persons with Disabilities.

The BIR has issued RR No. 8-2023 to this effect. The signature of the SC/PWD is not needed if the purchase is made through online means. The SC/PWD Identification Card number should still be provided,” sabi ni Commissioner Lumagui.

Ang RR No. 8-2023 ay inisyu ni Lumagui para maisulong ang layuning makapagbigay ng Excellent Taxpayer Service.

Ang pag-iisyu ay isang hakbang upang gawing isang service-oriented agency ang BIR, at hindi isang goal-oriented lamang.