(Sa opening ng PBA bubble sa Okt. 11) GINEBRA VS NLEX; TNT VS ALASKA

Eric Castro

SASALANG sa tatlong laro kada linggo ang PBA teams sa restart ng Philippine Cup dahil magiging araw-araw na ang mga laro sa Angeles University Foundation gym.

Ito ang tiniyak ni Deputy Commissioner Eric Castro sa Philippine Sportswriters Association (PSA) webcast Forum kahapon.

“Araw-araw ang games natin,” aniya.  “We’re looking at around two to three games per week, and then max na siguro ‘yung four times a week.”

Subalit tiniyak niya na walang koponan na maglalaro sa back-to-back schedules.

“We have scheduled games more or less, every other day. So there are no back-to-back games for all the teams,” dagdag ni Castro.

“That’s what we’re trying to avoid. May laro ka ng Monday, so probably you’re next game will be either Wednesday or Thursday.”

Ang nag-iisang conference ng  pro league na natigil nang manalasa ang COVID-19 sa buong mundo ay sasambulat sa Linggo, Oktubre 11, sa Clark bubble sa pamamagitan ng doubleheader —  TnT Tropang Giga vs Alaska sa alas-4 p.m. curtain raiser na susundan ng salpukan ng Barangay Ginebra at NLEX sa main game sa slas-6:45 ng gabi.

May kabuuang 66 games ang lalaruin sa eliminations, tampok ang triple header sa Okt. 31 — Blackwater vs  Terrafirma, Meralco vs TnT, at Rain or Shine vs Phoenix.

Matatapos ang eliminations sa Nob. 11 o isang buwan buhat nang simulan ang All-Filipino conference starts.

Ang susunod na buwan ay nakalaan para sa playoffs at Finals, kung saan target ng liga na tapusin ang season sa Dis. 15. CLYDE MARIANO

Comments are closed.