INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang panukala na gawing boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask sa open spaces.
Inanunsiyo ito araw ng Lunes ng Palasyo ng Malakanyang.
Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na pinirmahan ng Pangulo ang Executive Order No. 3 ukol sa naturang polisiya.
Pero ayon kay Secretary Angeles ang lahat ng non-fully vaccinated na mga senior citizens at immuno compromised ay hindi sakop ng EO number 3 dahil kinakailangan pa rin nila magsuot ng facemask saan man sila magpunta.
Gayundin sa lahat ng pampublikong sasakyan at indoor areas ay kinakailangan pa rin ang pagsusuot ng face mask.
Matatandaang inirekomenda ng Inter-Agency Task Force of Emerging Infectious Diseases (IATF) noong nakaraang Miyerkoles na gawing boluntaryo ang pagsusuot ng face mask sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Samantala, pinalawig din ng Palasyo ang state of calamity ng bansa ng tatlong buwan.