Sa datos ng IBON, ang utang ng bawat Pilipino ay nagkakahalaga ng P112,678 habang ang bawat pamilya ay may pagkakautang na P474,543 kung hahatiin ito sa 26.3 milyong pamilya.
Sa isang forum, sinabi ni IBON executive director Jose Enrique ‘Sonny’ Africa na tinitiis ng mahihirap ang “disproportionate burden of repaying debt” dahil sa “regressive” tax system.
Ayon kay Africa, ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) at Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) laws ng nagdaang administrasyon ang “most regressive tax reforms in Philippine history.”
Aniya, inilipat ng naturang mga batas ang tax burden mula sa malalaking korporasyon sa mahihirap at middle class.
Hanggang noong katapusan ng Mayo, ang outstanding debt ng bansa ay nasa P12.49 trillion, kung saan P8.66 trillion ang domestic debt habang P3.83 trillion ang foreign loans.
Hanggang noong first quarter ng taon, ang debt-to-gross domestic product (GDP) ratio ng bansa ay nasa 63.5%.
Ito ang pinakamataas na debt-to-GDP ratio sa loob ng 17 taon at mas mataas sa internationally recommended threshold na 60% ng ekonomiya.