(Sa pag-apply ng trabaho) OFWs PINADADAAN SA TAMANG PROSESO

HINIMOK ng Bureau of Immigration (BI) ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na dumaan sa tamang proseso para sa pag-apply ng trabaho sa ibang bansa bunsod sa panganib na kinakaharap nila sa mga illegal recruiter at human trafficking.

“We cannot stress enough the importance of following the proper channels through the Department of Migrant Workers (DMW). Taking shortcuts may lead to severe consequences, jeopardizing the safety and well-being of our fellow Filipinos,” babala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco.

Binanggit ni Tansingco ang kaso ng dalawang Pinay na pinauwi matapos na nabiktima ng human trafficking sa Malaysia.

“These predators will only entice you with promises of greener pastures. Do not be the next victim,” dagdag pa ni BI Chief.

Lahat naman ng biktima ay tinulungan ng mga miyembro ng Department of Justice Inter Agency Council Against Trafficking (IACAT) sa kanilang pagdating. PAUL ROLDAN