CAMP CRAME- COMMENDATION ang ibinigay ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Archie Francisco Gamboa sa operating teams ng Police Regional Office-13 (CARAGA) na nakaaresto sa KAPA ministry leader na si Joel Apolinario at 23 nitong tauhan.
Ayon kay Gamboa, katapangan ang ginawa ni PRO-13 Regional Director BGen. Joselito Esquivel Jr. at mga tauhan nito lalo na’t hindi madali ang pag-aresto kay Apolinario at sa armado nitong tauhan sa isang liblib na resort sa Sitio Dahican, Brgy. Handamayan, Lingig, Surigao del Sur. Idinepensa rin ni Gamboa ang pag-aresto ng grupo ni Esquivel dahil mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos na dakpin ang KAPA leader upang panagutin sa libo-libong nabiktima nito sa investment scam sa Visayas at Mindanao.
“The special directive came from President Duterte, arrest Apolinario and his cohorts,” ayon kay Gamboa.
Inamin din ng PNP chief na noong Enero pa mino-monitor ng kaniyang mga tauhan ang grupo habang ang operasyon aniya ay alinsunod sa kampanya ng pulisya laban sa loose firearmas habang nagkataon naman na nakuhanan din nila ng unlicensed high-powered firearm and ammunition ang mga bodyguard ni Apolinario.
Sa nasabing police operation, dalawa sa armadong tauhan ni Apolinario ang nasawi habang nakuha sa kanilang posesyon ang 30 M16 rifles, dalawang M4 rifle, isang yunit Garand rifle, tatlong yunit ng 60 cal. Machine gun, isang 50 cal. sniper rifle, tatlong cal. 22, isang carbine, isang RPG, limang yunit ng cal.45 at mga bala. EUNICE C.
Comments are closed.