Isusulong ng Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) ng Department of Agriculture (DA) ang ligtas na pagamit ng drone sa pag-ispray ng pesticides at chemicals sa agrikultura bilang isa nang modernong paraan na makatutulong sa pagpapalakas ng produksyon ng mga pananim lalo na ng bigas sa ilalim ng Drones4Rice Project ng kagawaran.
Bilang bahagi ng commitment ng ahensiya na isulong ito, naglabas ang FPA ng Memorandum Circular No. 25 o ang “Enhanced Rules and Regulations on Pesticide Application using Remotely Piloted Aircraft System (RPAS)” series of 2024 nitong October 2024.
“It is anchored on the principle of promoting the advancement and adoption of drone technology while protecting public health and the environment from the risks inherent in the use of pesticides,” ang sabi ng FPA.
” To regulate and promote the safe application of drones in farming… the development of protocols, standards, and monitoring guidelines for drone use in agriculture.Such initiative is a sub-component of the Drones4Rice project of the Department of Agriculture National Rice Program (DA NRP). It aims to standardize protocols for drone applications of seeds, fertilizers, and pesticides for rice production in the Philippines,” sabi ng FPA sa isang media statement.
Paliwanag ng FPA na sa kabila ng pagkakaroon ng drones sa Pilipinas, at regulasyon sa tamang paggamit nito, kailangan pang pag-ibayuhin ang pagbawas at pagpapagaan ng regulatory constraints nito para sa mga magsasaka. Kailangan din aniya maisaayos ang mga sumusunod pang hakbang tulad ng standardized operations, develop digital precision agriculture (PA) tools, at ang pag-scale up ng adoption ng mga teknolohiyang ito.
Nakasaad sa guidelines na kailangang ang gagamit nito ay may drone controllers, operators, technicians, service providers, pesticide companies, at pesticide end-users, katuwang ng pampubliko at pampribadong research institutions, state universities at colleges (SUCs), at iba pang ahensya ng pamahalaan, kabilang ang Local Government Units (LGUs) na may kasanayan sa drone spraying ng agricultural pesticides at iba pang agricultural chemicals at pest control and diseases.
Magsasagawa rin ng information drive tungkol sa naturang guidelines ang FPA upang mapalaganap ang kaalaman tungkol dito sa mga magsasaka at stakeholders. Magkakaroon din ang FPA ng Information Caravan ng strategic rice cluster locations sa iba ibang bahagi ng kapuluan.
Layunin ng Drones4Rice Project na bawasan ang production costs at ang pangangailangan sa maraming taong nagtatrabaho upang makaengganyo ng mga kabataan at bagong henerasyon ng mga magsasaka sa farming industry. Inaasahang sa pamamagitan ng digital transformation na Proyektong ito mapapabilis ang paglago ng industriya ng bigas sa bansa na estratehiya sa Masagana Rice Industry Development Program 2023-2028.
Tugon din aniya ang proyektong ito sa pagbabago ng panahon, mga kaugalian o practices o mga impluwensya sa. socioeconomic at behavioral aspects na aangkop sa “disruptive technologies”.
Inaasahang lubusang maiintindihan ng stakeholders ang benepisyo sa teknolohiyang ito sa mas “improved sustainability and reduced carbon footprint in rice production” ng agrikultura lalo na ng bigas. Ma. Luisa Macabuhay-Garcia