IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na regular holiday ang April 10 sa buong bansa bilang pag-obserba sa Eid’l Fitr, o pagtatapos ng Ramadhan.
Ang deklarasyon ay sa ilalim ng Proclamation No. 514, at layunin na mabigyan ng pagkakataon ang kababayan na makibahagi sa paggunita sa nasabing religious activity ng kapatid na Muslim.
“April 10 is declared as a regular holiday “in order to bring the religious and cultural significance of the Eid’l Fitr to the fore of national consciousness.”
Ang proklamasyon ay nilagdaan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin ngayong April 4.
EVELYN QUIROZ