CAMP CRAME –TINIYAK ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Oscar Albayalde na patas o balanse ang kanilang mandato at pagganap sa tungkulin bilang law enforcer.
Hindi rin aniya, makukulangan ang kanilang pagganap para sa seguridad ng lahat, pagpigil sa kriminalidad partikular sa anti-illegal drug operation at iba pang krimen.
Ginawa ni Albayalde ang paliwanag makaraan ang kanilang massive operation para isara ang mga lotto outlet kasunod ng direktiba ng Pangulo.
Sa Monday regular briefing, sinabi ng heneral na tumalima lamang sila sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapasara sa lotto outlet sa buong bansa makaraan ang umano’y dapat munang siyasatin ang napaulat na katiwalian sa mga prangkisa nito.
Paglilinaw ni Albayalde, hindi dahil iniutos ng Pangulo na itigil ang operasyon ng lotto ay tatalikuran na ng pulisya ang kanilang operasyon dahil patas ang kanilang mga pagganap.
“Mayroong dalawang orders na sinusunod ang pulisya, ang verbal at written, at pareho itong sinusunod ng pulisya na pantay ang antas ng pag-tingin, ” ayon kay Albayalde. EUNICE C.
Comments are closed.