AMINADO ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na tinalo na ng e-sabong ang POGO operations pagdating sa pagbabayad ng buwis.
0Ayon kay Pagcor Chairman Andrea Domingo, maraming mga online casino o POGO ang nagsara ngayong pandemya.
Nag-alala, aniya, ang ahensiya kung saan na kukuha ng revenue na kailangang-kailangan pa naman ng bansa bilang pantustos sa mga kailangan ng pamahalaan para labanan ang COVID-19.
“But when e-sabong started in May this year, we already made around P3.5 billion in revenues,” ani Domingo.
Ayon pa kay Domingo, P350 million hanggang P400 million kada buwan ang kinikita ng Pagcor sa online sabong.
Sa kasalukuyan, aniya, ay may apat na kompanya na ang nag-ooperate ng e-sabong sa bansa.
Plano ni Domingo na gawing 12 ang online sabong operators para mas malaki ang kitain ng ahensiya.
Napag-alaman na unang nag-apply at naaprubahan ng permit to operate ng Pagcor ang Lucky 8 Star Quest Inc. na nagpapatakbo ngayon ng Pitmaster Live na pag-aari umano ni Charlie ‘Atong’ Ang.
Comments are closed.