NAKABAWI ang Philippine peso laban sa dolyar sa likod ng pagbagal ng inflation rate sa unang buwan ng taon.
Ang local currency ay lumakas ng 17.5 centavos upang magsara kahapon sa P52.235:$1 mula sa P52.41:$1 noon Lunes.
“As for effects due to lower inflation, the effect was at opening of market with a lower bias, but not necessarily dictating the pace of the market for the day,” wika ni Security Bank Chief Economist Robert Dan Roces.
Sa datos na ipinalabas ng Philippine Statistic Authority (PSA) noong Martes, ang inflation noong Enero ay naitala sa 4.4 percent, ang pinakamabagal sa loob ng 10 buwan.
Mas mabagal ito sa 5.1 percent noong Disyembre, subalit mas mabilis sa 4.0 percent noong Enero 2018.
“We’re observing lower liquidity, quiet trading amid Lunar New Year holidays in major economies,” sabi pa ni Roces.
Sarado ang financial markets noong Martes para sa Chinese New Year.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng Department of Finance (DOF) na ang piso ay nananatiling kabilang sa higit na matatag na currencies sa rehiyon sa kabila ng global uncertainties.
“The Philippine peso continues to be one of the more stable Asian currencies despite the uncertainties in the world market brought about by the normalization of Fed monetary policy, Brexit, volatile fuel prices, and US-China trade war,” ayon sa ahensiya.
Comments are closed.