NAGPAHAYAG ng kalungkutan ang SMC Global Power sa pagbasura ng Energy Regulatory Commission (ERC) kamakailan sa hiling nito at ng Meralco na magkaroon ng anim na buwang pagluluwag sa mga Power Supply Agreement (PSA) nito.
Ayon sa SMC Global Power, ang kasunduan nila ng Meralco na nilagdaan noong 2019 ang isa na lamang sa mga natitirang fixed-rate agreement at ito ang dahilan kung kaya napananatiling mababa ang presyo ng koryente sa Metro Manila kumpara sa mga probinsya sa bansa.
“We regret the Energy Regulatory Commission’s (ERC) denial of our joint petition with Meralco for temporary relief on our 2019 power supply agreements (PSAs), not so much for our own interest but more for the consumers,” ayon sa statement na ipinalabas ng kompanya.
“The temporary relief would have enabled us to preserve the last remaining fixed-rate PSAs of Meralco that are responsible for keeping power rates in Metro Manila low compared to other parts of the country, amid surging global fuel prices,” dagdag pa ng kompanya.
Sa dissenting opinion na nakapaloob sa desisyon, pangunahin sa naging dahilan ng SMC at Meralco sa paghiling ng panandaliang taas-singil ang epekto ng pagtaas ng presyo ng coal sa pandaigdigang pamilihan mula $60-65 kada metriko tonelada noong 2019 na umaabot na ngayon sa halagang $400 kada metriko tonelada.
Ayon pa sa nasabing dissenting opinion, makikita na mas makabubuti sa mga consumer na katigan ang petisyon ng SMC at Meralco dahil lalabas na mas mababa ito kumpara sa ibang senaryo kung saan mas tataas ang presyo ng koryente sa mas matagal na panahon.
Ayon sa pagtutuos ng Meralco na sinang-ayunan ng Regulatory Operations Office ng ERC, ang pagpayag sa petisyon ng SMC at Meralco ay aabot lang sa pagtaas ng koryente ng P6.0691/kw kumpara sa P7.9891/kw kung kumuha ang Meralco sa ibang suppliers sakaling mapilitan ang SMC na i-terminate ang kasunduan dahil sa patuloy na pagkalugi into.
Samantala, aabot sa P8.94/kwh ang halaga ng koryente kung kukuha ng supply ang Meralco sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).
Sinabi ng Meralco sa pag-aaral nito na malinaw na ang SMC ang may pinakamababang presyo kahit pa ibigay ng ERC ang temporary increase na hinihingi nito.
“The ERC-ROS itself confirmed that the commission does not have any other data or information that could contradict or disprove the computations and simulations submitted by Meralco. We believe these numbers speak for themselves,” pahayag ng kompanya.
“The ERC, armed with such data, knows too well that denying the petition will not only cripple us, but more importantly, burden consumers who will have to face higher electricity bills.”
Gayunpaman ay nagbigay ng katiyakan ang SMC Global na gagawin nila ang lahat ng makakaya upang ‘di maaapektuhan ang suplay ng koryente ng Meralco.
“In the meantime, we will do everything we can to make sure Meralco’s energy supply is not disrupted. Despite the present challenges, we will never withhold our available power capacity to the detriment of the country and the consumers.”
“However, given the circumstances, we will continue to explore other legal remedies to allow us to sustainably provide for the increasing power needs of our country while meeting our obligations to our various stakeholders.”