IKINALUGOD ni House Committee on Overseas Workers Affairs Chairman at Kabayan party-list Rep. Ron Salo ang naging desisyon ng Malaysian government na ibasura ang pagpapataw ng pinakamabigat na parusang kamatayan dahil magsisilbing daan ito upang maisalba sa death row ang nasa 56 Pilipino roon.
“This is certainly a welcome development, especially for our kababayans on death row in Malaysia who may have a justifiably legal cause to receive a much lesser penalty. It gives us so much hope that many of their cases will be reconsidered and will be given lighter punishments. This will give our countrymen the chance to reform and lead better lives,” pahayag ni Salo
Kaya naman hinimok ng House panel chair ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) na magtulungan at agad na kumilos upang mabigyan ng kaukulang tulong ang mga Pilipino na nahaharap sa death sentence sa Malaysia.
“I urge the DFA and the DMW to immediately provide all the needed legal assistance for overseas Filipinos on death row in Malaysia for a review of their sentences,” panawagan pa ni Salo
Nabatid na nitong nakaraang Lunes, bumoto ang Malaysian government sa pag-aalis ng mandatory death penalty sa ilang kaso at binibigyan nito ang kanilang judges na magpasya kung hahatulan o hindi ng parusang kamatayan ang akusado.
Matatandaan sa nakaraang Congressional hearing na pinamunuan ni Salo, iniulat ng DFA na nasa 83 overseas Filipinos ang nahaharap sa death penalty mula sa iba’t ibang kaso kung saan 56 sa mga ito ay nasa Malaysia.
ROMER R. BUTUYAN