KASUNOD ng pagbubukas ng mga parke at pasyalan, nanawagan si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar sa mga namamasyal na mag-ingat at sumunod sa minimum public health standard upang hindi maging biktima ng COVID-19.
Ang paalala ay kasunod ng pagbubukas ng mga parke sa Metro Manila dahil nasa Alert Level 4 na.
Gayunpaman, paglilinaw ni Eleazar na hindi pa rin maaaring lumabas ang mga menor at edad 65 pataas gayundin ang mga buntis at may comorbidities.
“These new quarantine rules are the balance between containing the spread of the disease and reviving the economy, and eventually will lead us back to normalization. Kaya ang tagumpay ng mga patakarang ito ay nakasalalay din sa compliance ng ating mga kababayan,” ani Eleazar.
Magugunitang nagbukas na noong Setyembre 16 ang ilang parke sa Maynila gaya ng Fort Santiago sa Intramuros na pinaikli ang visiting hours at Rizal Park na maaaring makapasok ang 500 katao.
EUNICE CELARIO
Comments are closed.