(Sa pagbulusok ng demand) PRESYO NG ITLOG BUMABA

BUMABA ang farmgate price ng itlog sa gitna ng pagbulusok ng demand at pagtaas ng suplay, ayon sa  Philippine Egg Board Association (PEBA).

Sinabi ni PEBA Chairman Gregorio San Diego na ang farmgate price ngayon ng maliliit na itlog ay nasa P4 hanggang P5, habang ang medium ay P5 hanggang P6, depende sa lugar ng farm.

Dumami ng kaunti ang supply pero ang malaki nabawas ay ang perang pambili ng mga tao, kaya lumalabas ay over supply,” aniya.

Sa  price monitoring ng Department of Agriculture (DA), ang retail price ng medium-sized eggs ay nasa P6.80 hanggang P8.50 sa ilang palengke sa Metro Manila.

Sinabi ng egg wholesalers sa Cavite St. sa Blumentritt, Manila sa GMA News Online na bumaba ng hanggang P20 ang presyo ng kada tray ng itlog.

Samantala, ang presyo ng medium-sized eggs ay P160 kada tray, large size, P180, at ang extra large sizes ay mabibili sa P210 kada tray.