(Sa pagbuo ng climate change resilience)HUMAN RESOURCE CAPACITY PALAKASIN

CLIMATE CHANGE-3

ITINAAS nitong Lunes ni San Jose del Monte City Representative Florida “Rida” Robes ang mga alarma sa lumalalang kondisyon ng klima sa buong mundo na sinasabing nasa estado ng ’emergency’ ang pagbabago ng klima at dapat simulan na ang pagpapalakas ng kakayahan sa human resource.

Sa isang privilege speech, iminungkahi ni Robes na dapat simulan agad ng gobyerno ang pagtugon sa isyu.

“In the aftermath of Super Typhoon Karding, this representation would like to spark an honest dialogue to three inconvenient—yet vital—truths that affect our nation and humanity as a whole…The pressing and urgent need to strengthen our policies on environmental protection and adapting to climate change,” pahayag ni Rep. Robes.

Aniya, nakalulungkot at nakaaalarma na malaman na ang Pilipinas, sa mga tuntunin ng pandaigdigang sukatan ay niraranggo sa ika-2 sa 2018 Climate Risk Index sa mga bansang lubhang naapektuhan ng matinding lagay ng panahon at ika-11 sa 180 na mga bansa sa 2020 Environmental Performance Index (EPI ).

Dahil dito, ang bansa ay dumaranas ng malaking pagkalugi sa ekonomiya (mga $3.5 bilyon batay sa mga pagtatantya ng World Bank) taun-taon dahil sa mga natural na kalamidad.

“We can definitely feel the economic devastation of climate change. To illustrate, recently, Karding alone destroyed at least P 160-million worth of high value crops,” ayon kay Robes.

Hindi bababa sa 5239 Bulakenos, 1571 pamilya, kabilang ang 1447 bata at 231 senior citizens ang nawalan ng tirahan at napilitang lumikas upang makatakas sa baha na naging sanhi rin ng buhay ng limang emergency volunteer sa proseso.

“Nasa state of climate emergency na tayo. Ang ating Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay humarap sa UN General Assembly na nagdeklara na ang bansa ang ika-apat na pinaka-bulnerable na bansa sa pagbabago ng klima…Ang kawalang-katarungang ito ay dapat itama, at ang mga kailangang gumawa ng higit pa ay dapat kumilos ngayon.., ” anang mambabatas.

Dahil dito, hinimok ni Robes ang kanyang mga kasamahan na pakinggan ang mga babalang at isabatas ang mga hakbang na nagpoprotekta sa kapaligiran laban sa mtinding epekto ng pagbabago ng klima.

Gayundin, iminungkahi nitong palakasin ang tungkulin ng mga rescuer at first responder.

“Countless storms have passed yet the courage of rescuers of our national and local disaster risk reduction and management councils, and civil society volunteers remain unbreakable and indomitable. Yet, it is unconscionable that our laws are inadequate to protect them,” ani Robes sa kanyang talumpati.

Binigyan din nito ng karangalan ang limang emergency responders na namatay habang nagliligtas sa mga residenteng na-stranded sa baha na mga ordinaryong tao na nagpakita ng mga pambihirang gawa ng paglilingkod.

Kasabay nito, dalawang hakbang ang inhain ni Robes na nagbibigay kapangyarihan sa mga emergency volunteer gamit ang HB 5584 o ang Emergency Volunteer Protection Act of 2022, at HB 5650 o Magna Carta para sa Public Disaster Risk at Emergency Responders.