(Sa pagdagsa ng libo-libong pasahero) E-GATES NG NAIA PINA-REACTIVATE

IPINAG-UTOS  ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente sa kanyang mga tauhan na ire-activate ang mga e-gate bilang preparasyon sa pagbulusok ng libo libong pasahero sa Ninoy Aquino International airport (NAIA) ngayon holiday seasons.

Sa kabila sa banta nitong Omicron variant nakikita ni Morento na hindi hadlang ito sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) na umuwi ngayong Pasko upang makasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Aniya, ang pag-bounce back ng domestics travel ay isang palatandaan sa pagbulusok ng international travel sectors.

Batay report, umabot sa 85 porsiyento ang kabuuang bilang ng OFWs na dumating sa unang araw nitong Disyembre.

At bilang paghahanda agad pinabuksan ni Morente ang mga e-gate upang maiwasan magkabuhol-buhol at ang mahabang pila sa immigration counter. FROILAN MORALLOS