(Sa pagdating ng milyong bakuna mula US) DAGDAG PERSONNEL SA ONE STOP SHOP SA NAIA

bakuna

MAGTATALAGA ng karagdagang kawani ang One Stop Shop (OSS) sa Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) bilang pag­hahanda sa pagdating ng milyon doses ng US made Pfizer at Moderna vaccines na inaasahang darating sa unang Linggo ng Set­yembre upang mapadali ang pagpapalabas sa mga ito.

Ayon kay Cabinet Secretary Carlo Nograles, at Co-Chairman Inter-Agency Task Force on Covid-19 (IATF), ang 40 milyon doses ng Pfizer at 20 milyon doses ng Mo­derna na binili ng pamahalaan ay inaasahan darating sa susunod na buwan.

Bukod sa US made vaccines, darating din ang apat na milyon doses ng Sinovac vaccines na kasama sa 25 milyon doses na binili ng pamaha-laan sa China.

Dagdag pa ni Nograles,ang 60 mil­yon doses ng Moderna at Pfizer ay nakalaan sa inocu­lation ng 58 milyon Pilipino partikular na ang mga taga Metro Manila at karatig na mga lugar sa Central Luzon.

Kasabay nito, inalerto ng IATF at ng Department of Health (DOH) ang mga tauhan ng One Stop shop at Food and Drug Administration (FDA) na maging alerto upang maiwsan malusutan ng mga peke o vaccines na hindi pumasa sa pagsusuri ng FDA. FROILAN MORALLOS

142 thoughts on “(Sa pagdating ng milyong bakuna mula US) DAGDAG PERSONNEL SA ONE STOP SHOP SA NAIA”

  1. 608522 125052Oh my goodness! a wonderful post dude. Thanks Nevertheless My business is experiencing problem with ur rss . Do not know why Struggling to join it. Is there anybody getting identical rss issue? Anyone who knows kindly respond. Thnkx 291493

Leave a Reply

Your email address will not be published.