(Sa pagdawit sa kaso ng dating asawa) JOSE MANALO INABSUWELTO NG COURT OF APPEALS

jose manalo

PINAWALANG-sala ng Court of Appeals ang isinampang multi-million peso casehotshots kay Jose Manalo ng kanyang estranged wife na si Annalyn.

Sa March 28 resolution, inabsuwelto ng appellate court ang TV host/comedian na may pananagutan ‘di umano ito sa PHP50 million compromise agreement sa pagitan ni Annalyn at businessman Froi­lan Clemente Jr.

Ibinasura ng CA ang motion for reconsideration na isinampa ni Clemente at pinagtibay ang unang desisyon na ang TV host/comedian ay hindi sangkot sa settlement deal.

Ayon pa sa CA, hindi umano maituturing na balido ang kasunduan dahil walang pahintulot  ang komedyante.

“More important, the main provisions of said compromise agreement involved  admissions of liabilities and assumption of obligations made by Annalyn, not only for herself, but also on behalf of her husband, Ariel, even if the latter was not made a party to the settlement. This is  contrary to law because the element of consent, on the part of private respondent, is lacking,” ayon sa korte.

Pinawalang bisa ng CA ang January 26, 2018 desisyon na nilabas ni Quezon City Regional Trial Court  Branch  92 Judge Eleuterio Bathan.

KEEMPEE DE LEON IBINULGAR ANG MGA NAGING GF SA SHOWBIZ

SINABI ni Keempee de Leon kay Kuya Boy Abunda sa kanyang show na Tonight KEEMPEE DE LEONWith Boy Abunda ang mga artistang naging girlfriend niya noong nagsisimula pa sa showbiz.

Isa nga kasi si Keempee na kinabaliwan ng mga fans noong pumasok ito sa showbiz bilang teen actor noong `80s.

Kaya hindi nakapagtataka na maraming actress ang na-link sa kanya dahil binansagan nga siyang kilabot sa mga babae.

Inamin niya kay Kuya Boy na naging girlfriend niya sina Carmina Villaroel, Ara Mina, Vina Morales, G.Toengi, Jessa Zaragosa at Ina Raymundo.

Sa lahat ay pinakamatagal daw ang naging relasyon niya kay Carmina at pinangarap niyang pakasalan.

Inamin din niya na kasalanan niya kung bakit sila naghiwalay noon ni Carmina.

Ang ipinagtataka lang ng mga nakaaalam ay kung bakit hindi nabanggit ni Keempee ang mga pangalan ng iba pa niyang nakarelasyon na sina Manilyn Reynes at Aiko Melendez. Maging si Geneva Cruz na nag-claim noon na nagkaroon sila ng short  relationship.

Well, baka siguro hindi naging maganda ang na­ging paghihiwalay niya sa mga nabanggit na actress na naging karelasyon din niya.

Anyway, nagpapasalamat si Keempee na nabigyan siya ng pagkakataon na makalabas uli o magkaroon uli ng project  sa bakuran ng ABS-CBN. From Kapuso ay isa nang Kapamilya ang anak ni Joey de Leon.

MATAPOS ANG VIDEO SCANDAL NG YOUNG ACTRESS, SENIOR SINGER NAMAN

Matapos ang sinasa­bing diumano sex video scandal ni Loisa Andalio ay may  pinag-Jim Paredesuusapan na namang sex video na kung saan sangkot ang sikat na senior citizen singer.

Ang veteran singer-songwriter at dating member ng sikat na grupong APO Hiking Society na si Jim Paredes ang ‘di umano ay nasa malaswang video na kung saan dumidila-dila pa ito sa camera at nagbabatibot habang may ka-cybersex.

Sigurado ang mga nakakita na si Jim daw talaga ‘yon base na rin sa mga tattoo at nunal sa katawan ng singer. Inamin naman ng singer na totoo raw ‘yun.

Marami ang na-turn off at nandiri sa naturang sex video scandal ng singer dahil matanda na raw ito para  gumawa ng ganoong klase ng kahalayan.

Dahil sa naturang scandal ay marami ang tumitira kay Jim dahil kilala nga naman siyang sa pagi­ging opinyonado pagdating sa politika at mga isyung panlipunan. Akala mo raw ay kung sino itong disente pero hindi naman pala.

Kung umasta raw ito ay sobrang yabang at napaka-righteous kapag may national issues. ‘Yun daw pala ay mayroon itong itinatago  na hindi na maganda sa isang tulad niya na isa na ring senior citizen.

Comments are closed.