MAHIGPIT ang paalala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na bawal ang anumang uri ng mass gathering o kilos protesta sa pagdiriwang ngayon ng ika-122 taon ng Araw ng Kalayaan.
“We celebrate the freedom we have gained 122 years ago with our nation being tested by the global pandemic. We give our snappiest salute to the Filipinos who are with us in the struggle to overcome these trying times. This only shows that each of us is vital to our nation’s overall well-being, and is the primary contributor to national development,” ayon kay AFP chief of Staff Gen. Felimon Santos.
Gayunpaman, ani Santos na nanatiling hindi pa rin ganap na malaya ang bansa sa mga kasalukuyang hamon sa seguridad.
Kaugnay nito, umapela naman si PNP Chief General Archie Gamboa sa publiko na umiwas sa mga pagtitipon bilang pagsunod pa rin sa health protocol na itinakda ng pamahalaan ngayong may COVID-19 pandemic.
Ayon kay Gamboa, hindi gaya ng mga nakalipas na pagdiriwang, simpleng seremonya lang ang gagawin sa Rizal Park sa Maynila kung saan mga 10 tao lang umano ang papayagan na lumahok sa commemoration rites base sa guidelines ng Inter-Agency Task Force on COVID-19.
Ngayong taon, may tema ang Araw ng Kalayaan na “Kalayaan 2020: Towards a Free, United, and Safe Nation”.
Magsasagawa naman ng sabayang flag raising ceremony ang AFP at PNP sa Camp Crame at sa lahat ng Police Regional Offices at maging sa mga kampo military na dadaluhan ng limitadong opisyal bukas.
Sa kabilang dako, ayon naman kay JTF Covid Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar na kanilang ipatutupad ang batas sa mga lalabag sa safety and health protocols lalo na sa mga mass gathering partikular sa mga nagbabalak na magsagawa ng mga kilos protesta. VERLIN RUIZ
Comments are closed.