BINIGYANG-PUGAY ng Philippine National Police, (PNP) ang kababaihan at nakiisa para sa pagdiriwang ng International Women’s Day ngayong Marso.
Sa isang pahayag, sinabi ng PNP na kasama sa kanilang misyon ang pagprotekta sa karapatan ng mga kababaihan sa mga komunidad
Anila, ang mga babae ay malaking ambag sa pag-unlad ng lipunan at gumaganap ng maraming mga papel.
Dagdag pa ng PNP, dapat respetuhin ang mga kababaihan at ibigay ang mga karapatan na nararapat sa kanila.
Kasama na rito ang pakikilahok sa lahat ng social at political action para sa ikabubuti ng bansa.
Nabatid na may hiwalay na unit ang PNP para sa mga kababaihan na Women and Children Protection Center.
Layunin nito na tumugon sa lahat ng sumbong na may kinalaman sa kababaihan at sa mga kabataan.
EUNICE CELARIO