(Sa pagdiriwang ng National Heroes Day) FRONTLINERS KINILALA NI PRRD

NAKIISA si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani.

Sa isang mensahe, kinilala ng Pangulo ang iba’t ibang frontline workers ngayong may COVID-19 pandemic.

Giit ng Pangulo na ang frontline workers sa panahong ito ay hindi matatawaran ang isinasakripisyo para magbigay serbisyo sa kapwa Pilipino.

Bukod sa modern day heroes, binigyang diin din ng Pangulo ang ipinamalas na katapangan ng mga nagdaang bayani ng ating bayan.

Sa huli, sinabi ni Pangulong Duterte na dapat lang na ibigay ng publiko ang buong suporta sa mga bayaning nagbuwis ng katapangan sa bayan para mapagtagumpayan ang iba’t ibang pagsubok.

Samantala, sinabi naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na maituturing na isang kabayanihan sa gitna ng banta ng virus sa ating bansa ang pagsunod sa umiiral na health protocols.

Nagpaabot si Lorenzana ng pagbati at suporta sa mga nagdaang bayani maging sa mga makabagong bayani.

Panawagan din ni Lorenzana sa publiko, na gawing inspirasyon ang mga nakalipas na bayani para magampanan ang tungkulin para magkaisa para sa bayan.

Kasunod nito, inalala rin ng kalihim ang kabayanihang ginawa ng mga tropa ng pamahalaan na nagbuwis ng kanilang buhay sa nakaraang pakikipaglaban. DWIZ882

2 thoughts on “(Sa pagdiriwang ng National Heroes Day) FRONTLINERS KINILALA NI PRRD”

Comments are closed.