(Sa pagdiriwang ng World Book Day) FILIPINO AUTHORS HINIMOK ANG PUBLIKO NA UGALIIN ANG MAGBASA

HINIMOK ng mga award-winning authors ang publiko na suportahan ang librong limbag sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga isinulat ng mga manunulat na Filipino.

Sa ginanap na Pandesal Forum sa Kamuning Bakery kaugnay sa pagdiriwang ng
World Book Day ngayong araw, Abril 23, sinabi ni National Bookstore managing director and Anvil Publishing President Xandra Ramos Padilla na unti -unti nang nakababawi ang bentahan ng mga libro sa post-pandemic era.

Tiwala rin ang mga premyadong awtor na sina Ige Ramos at Yvette Tan sa hinaharap ng Philippine books kasabay ng kanilang paghimok sa mga magulang, edukador, at publiko na tumulong na maipakilala at mahikayat sa pagkahilig at magandang benepisyo ng pagbabasa ng mga libro, lalo na sa mga kabataan dahil hindi lamang impormasyon o kaalaman ang hatid nito kundi pagkalibang din.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang pagkahilig ng mga kabataan sa ebooks at audio books ngayon subalit ayon sa kanila, batay sa pag-aaral, ang pagbabasa ng pisikal na libro ay mas higit na mainam sa pabingin o mga mata kaysa paggamit ng celfone na naglalabas ng blue light na nagiging sanhi upang manatiling gising.