TINIYAK ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar sa Commission on Human Rights (CHR) na hindi malalabag ang data privacy sa paggamit ng body camera.
Ayon kay Eleazar, bibigyan nila ng prayoridad ang data privacy sa paggamit ng body cameras batay na rin sa nakalatag na mekanismo para sa data management at privacy hinggil sa paggamit nito sa mga operasyon.
Inihayag pa ni Eleazar na isinasaaayos na ng technical working group na pagsama-samahin ang mga panuntunang inilabas ng Korte Suprema sa guidelines na ginawa naman ng PNP para matiyak na walang magiging problema sa usapin ng data privacy.
“I assure the CHR that in the crafting and issuance of the Supreme Court’s guidelines on the use of body-worn cameras, data management and privacy were given primary importance in our honorable Justices’ deliberations,” ani Eleazar.
“Nakapaloob sa resolusyon ng Korte Suprema ang pagpapahalaga sa data privacy at ang pangangalaga sa mga impormasyong makakalap gamit ang mga body-worn cameras,”dagdag pa ng PNP Chief.
Gayundin, aniya na patuloy din ang ugnayan ng pulisya sa National Privacy Commission hinggil dito.
Umaasa naman ang CHR na magreresulta sa isang mas transparent na operasyon ng mga pulis ang pagsusuot ng body-worn cameras para maibalik ang tiwala ng publiko sa mga tagapagpatupad ng batas.
Inilunsad ng PNP noong isang buwan ang paggamit ng body-worn camera system para siguruhing malinis at lehitimo ang mga ikinakasang operasyon na kasalukuyang may 2,696 na body cameras na ang naipamahagi sa may 171 city police stations sa buong bansa.
Subalit, sinabi rin Eleazar na mangangailangan pa ng humigit kumulang 30,000 karagdagang body-worn cameras para magamit ng lahat ng mga pulis sa kanilang mga operasyon. VERLIN RUIZ
358236 741627The luxury proposed may be incomparable; citizens are never fail to looking for bags is actually a Native goals. The idea numerous insert goals uniquely to push diversity with visibility during the travel and leisure arena. Hotels Discounts 577338
780876 584209extremely nice post, i actually adore this internet website, carry on it 488753
309016 857378I discovered your web site internet site online and check several of your early posts. Maintain on the top notch operate. I just now additional your Feed to my MSN News Reader. Looking for forward to reading considerably more from you obtaining out later on! 805309