(Sa paggunita sa Maguindanao massacre) PROTEKSIYON SA BUHAY AT PRESS FREEDOM PINAGTIBAY

Inalala ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang ika-15 taong anibersaryo ng Maguindanao massacre kahapon, araw ng Sabado.

Sa isang statement, sinabi ni PTFoMS executive director Undersecretary Jose Torres Jr. na sa madilim na araw na ito sa kasaysayan ng Pilipinas, natunghayan ang brutal na pagpatay sa 58 katao kabilang ang 32 media workers. Kayat muling inaalala ang mga biktima ng malagim na trahedya, bigyang pugay ang kanilang alaala at mu­ling pagtibayin ang hindi natitinag na pangako para protektahan ang buhay at kalayaan ng mga mamamahayag sa bansa.

Itinuturing ni Torres na ang naturang masaker ay isa sa deadliest attack sa mga mamamahayag sa buong mundo na nagsisilbing maigting na paalala sa panganib na kinakaharap ng media workers sa paghahanap ng katotohanan at pananagutan. Binibigyan diin din nito ang agarang panga­ngailangan para sa patuloy na pagbabantay at aksiyon para matiyak na hindi na maulit pa ang trahedya.

Sinabi din ni Torres na nananatiling committed ang Marcos administration sa pagbibigay ng ligtas na environment para sa media workers.

Nobyembre 23, 2009 naganap ang malagim na trahedya sa Ampatuan, Maguindanao kung saan pinagbabaril ang 58 katao kabilang ang 8 media workers na nakasaksi sa paghahain ng certificate of candidacy ni dating Buluan Vice Mayor Esmael Ma­ngudadatu para sa 2010 gubernatorial elections.

MA. LUISA GARCIA