(Sa paghina ng US jobs data) PISO NAKABAWI VS DOLYAR

piso

NAKABAWI ang Philippine peso laban sa dolyar sa paghina ng jobs data sa Estados Unidos.

Ang local currency ay lumakas ng 5 centavos upang magsara sa P52.71:$1 mula sa 52.76 noong Huwebes.

“The peso recovered today as the broad strength of the dollar falters on weak US new jobs data,” wika ni Land Bank of the Philippines market economist Guian Angelo Dumalagan.

Batay sa payrolls data processing firm Automatic Data Processing Inc., ang  US private sector ay nagdagdag ng 179,000 mga bagong trabaho noong Nobyembre.

“It was softer than previous reading of 225,000 and weaker than market expectations of 195,009,” paliwanag ni Dumalagan.

Nakadagdag din ng pressure sa US dollar ang pag-igting ng tensiyon sa kalakalan sa pagitan ng US at China kasunod ng pagka-kaaresto sa isang top executive ng Chinese tech giant Huawei.

Ang pagkakadakip kay top Huawei chief financial officer Meng Wanzhou ay nagdulot ng pagdududa sa trade truce na napagkasunduan kamakailan nina US President Donald Trump at Chinese counterpart Xi Jinping.

Comments are closed.