(Sa pagluwag ng lockdown measures) NAGSARANG NEGOSYO NABAWASAN

Ramon Lopez

BUMABA ang bilang ng mga negosyong nagsara dahil sa community quarantine restrictions bunga ng unti-unting pag-bubukas ng economic activities, ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez.

Sinabi ni Lopez na tinatayang 8 porsiyento ng mga negosyo ang nananatiling sarado sa NCR Plus — National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal — na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Aniya, ang bilang ng mga negosyo na tumigil sa kanilang operasyon ay mas mababa sa 16percent nang ibalik ang NCR Plus sa enhanced community quarantine (ECQ) noong Marso dahil sa biglang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Nang luwagan ng gobyerno ang lockdown measures sa modified ECQ, ang bilang ng mga negosyo na nanatiling sarado ay bumaba sa 12percent, dag-dag pa niya.

Anang trade chief, ang kasalukuyang bilang ay mas mababa kumpara noong nakaraang taon nang unang ipatupad ang ECQ.

Ang mga negosyo, aniya, na tumigil noon sa operasyon ay nasa 38 percent.

“Ngayon nasa GCQ tayo with restrictions, inaasahan natin ngayon maganda ang mga numero, we can still extend the GCQ. We can continue the GCQ starting June,” sabi pa ng kalihim.

Ayon kay Lopez, target ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na unti-unting buksan ang economic activities para maibalik ang mga trabaho at kasabay nito ay matiyak na hindi na muling tataas ang mga kaso ng COVID-19.

“Inaasahan din natin na palakasin, dagdagan ang mga operating capacity moving forward. (We expect to augment, increase the operating capacity moving forward),” Lopez said. PNA

7 thoughts on “(Sa pagluwag ng lockdown measures) NAGSARANG NEGOSYO NABAWASAN”

Comments are closed.