NAGMAHAL na ang hotdog sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
Sa Muñoz Market sa Quezon City, limang piso ang itinaas ng presyo ng ilang brand ng hotdog.
Ang dating P130 na 16 na piraso ng hotdog ay mabibili na ngayon sa halagang P135.
Ang isang balot ng hotdog na dating P40, ngayon ay nasa P45 na ang bentahan.
Ang dati namang bentahan na P10 kada piraso ng hotdog, ngayon ay nasa P11 na.
Ayon sa mga nagtitinda, bunsod ito ng pagmahal ng harina na isa sa mga sangkap sa paggawa ng hotdog. JEFF GALLOS