(Sa pagpanaw ng senior citizen na pumila sa kanyang community pantry) ANGEL LOCSIN HUMINGI NG TAWAD

LABIS na ikinalulungkot ng aktres na si Angel Locsin ang pagpanaw ng isang senior citizen habang nakapila sa binuo nitong community pantry sa Quezon City.

Batay sa Facebook post ng aktres, alas-3 pa lamang ng madaling araw ay nakapila na ang naturang matanda at may nakainitan ito ng ulo habang nasa pila at doon inatake sa puso. Kinilala itong si Rolando Dela Cruz na isang balut vendor.

Ayon sa aktres, humihingi siya ng tawad sa pamilya ni Manong Rolando at nakausap na niya nang personal ang mga anak nito habang sila ay nasa ospital at iginiit na habang buhay siyang hihingi ng kapatawaran sa pamilya nito.

Dagdag nito pagkakamali niya ang naganap na insidente at huwag sanang madamay ang ibang community pantries. Agustina Nolasco-DWIZ882

4 thoughts on “(Sa pagpanaw ng senior citizen na pumila sa kanyang community pantry) ANGEL LOCSIN HUMINGI NG TAWAD”

  1. 777223 883327Interested in start up a online business on line denotes revealing your service also providers not only to humans within your town, nevertheless , to numerous future prospects which are cyberspace on a lot of occasions. pays everyday 662513

Comments are closed.