PINATATANGGAL ni Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change Chairperson Senadora Cynthia Villar at ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kapangyarihan ng Barangay Chairman na magbigay ng permit sa mga magtatayo ng istraktura sa mga protected areas.
Ito ang naging reaksyon ni Villar matapos na aminin ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga na ang barangay Chairman ang nagbigay ng permiso para maitayo ang kontrobersyal na resort sa gitna ng Chocolate Hills.
Sa naturang pagdinig iginiit ni Villar na sa kanilang lugar sa Las Piñas ang iniimpluwensyahan ng gusto umangkin ng lupa ay ang mga barangay Chairman dahil sa madali silang lokohin at wala silang malay kung ano ang makakabuti o hindi sa kalikasan.
Dagdag pa ng Senadora na siya ang pumigil sa Las Pinas upang hindi manalo ang mga barangay captain sa PAMB meeting, dahil hindi alam ng mga kapitan kung ano ang magiging damage o disaster sa protected area.
Dahil dito, suportado nito ang DENR na baguhin ang Constitution sa PAMB na mas bigyan ng kapangyarihan ang mas nakakaunawa sa kalikasan.
Sa huli, duda pa rin si Villar na gimik lamang o walang alam ang DENR at LGUs sa pagpapatayo ng istraktura sa mga protected area at ang pinag-aaprub na lamang ay ang mga barangay captain para hindi sila masisi tulad sa nangyari sa Chocolate Hills.
VICKY CERVALES