ILANG buwan pa bago ang Pasko ay tumaas na ang presyo ng Noche Buena ham.
Sa ulat ng ABS-CBN News, sa isang sikat na bilihan ng Christmas ham sa Quiapo, Maynila ay nagtaas na ng presyo noong nakaraang linggo lang.
Ang kanilang sliced ham na dating naglalaro sa P1,560 hanggang P1,680 kada kilo ay nasa 1,600 hanggang P1,720 na ang presyo ngayon.
Mula sa dating P1,080 kada kilo, ang pineapple ham ay mabibili ngayon sa P1,120 kada kilo habang ang scrap ham na dating P1,480 ay P1,520 na.
Nasa P1,700 hanggang P1,900 naman ang presyo ngayon ng whole ham habang ang bone in ham ay P4,000.