SA PAGPASOK NG DISYEMBRE

(Pagpapatuloy…)
Kung nais o kinakailangang makisalamuha kasama ang mga kaibigan at pamilya, mas mainam na gawin ito sa open-air spaces kagaya ng parke o picnic grounds. Para sa mga taga-Quezon City, matutuwa kayong malaman na bukas na ulit ang UP Oval. Pwedeng mag-picnic, tumakbo, mag-bike, maglakad mula alas-4:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-4:00 hanggang alas-9:00 ng gabi araw-araw.

Kung mas gusto naman ninyong mamasyal out of town, mas mainam na magpunta sa mga nature park kagaya ng Masungi Georeserve sa Rizal Province.

Kamakailan ay isinulat ko na rin dito sa aking kolum sa Pilipino Mirror ang ilang detalye tungkol sa pagbisita sa Masungi. Isama ang mga kaibigan at ka-pamilya upang sama-samang mag-hike sa rainforest ng Masungi Georeserve! Bisitahin lamang ang kanilang website para sa karagdagang impormasyon: masungigeoreserve.com

Kung mga pang-regalo naman ang iyong hanap, may tip din ako para sa iyo. Pwedeng mamili mula sa mga online stores at e-commerce platforms, at mainam ding suportahan natin ang mga local artist, kabilang na ang mga Pinoy authors, painters, craftsmen, atbp. sa pamamagitan ng pagbili ng kanilang mga likha para ipamigay o ipang-regalo ngayong Pasko.

May mga online promo rin ang ilang local publishers—kailangan ng suporta ng ating local book industry kaya’t bisitahin natin ang kanilang pages o sites dahil napakagandang gawing pang-regalo ang mga aklat ngayong Pasko. Buy Filipino! Suportahan natin ang mga local business, at ang sarili nating manunulat, artista, at manlilikha.