BAHAGYANG tumaas ang presyo ng isda sa pagpasok ng Mahal na Araw.
Kasunod ito ng pagpa-fasting o hindi pagkain ng mga Katoliko ng karneng baboy ngayong panahon ng Semana Santa.
Sa isang wet market sa Quezon City ay nasa P180 hanggang P200 ang presyo ng kada kilo ng bangus, mas mataas ng P20 hanggang P30 kumpa-ra sa presyo nito noong nakaraang linggo.
Tumaas naman ng P10 ang presyo ng kada kilo ng tilapia na nasa P130 na.
Ayon sa mga fish vendor, kakaunti lamang ang suplay ng bangus at tilapia at iba pang isda dahil halos walang bumibiyahe at sarado ang mga palengke kapag Huwebes Santo at Biyernes Santo.
Binigyang-diin naman ni Agriculture Secretary William Dar na ang presyuhan ay nakadepende sa law of supply and demand at ang traders at vendors ay pinapayagan ng 10% kita.
Muling tiniyak ni Dar ang sapat na suplay ng pagkain habang nasa enhanced community quarantine ang buong Luzon. DWIZ 882
Comments are closed.