(Sa pagpatay sa Pangulo ng kooperatiba) DATING KONSEHAL, 5 PA KINASUHAN NG MURDER

LAGUNA- KASONG kriminal ang kinakaharap ng dating town councilor at limang iba pa sa pagpatay sa Pangulo ng isang kooperatiba noong Enero 8 sa Barangay Santiago, Sta. Maria ng lalawigang ito.

Kinilala ang suspek na si Christened Cuento, alias “ Boss Jason”, anak ni dating Mayor Joel Cuento ng Santa Maria ang itinuturong mastermind o utak sa pagpatay kay Harrison Diamante, Pangulo ng Sta. Maria farmers cooperative.

Sa pahayag ni Maj. Eviener Boiser, chief of police ng Sta.Maria, kinasuhan ng murder sa Laguna provincial prosecutors office si Jason kasama ang limang iba pa.

Isinama sa criminal sheets sina Jonathan Bondad, alias “ Bojo” , driver ng L- 300 van na ginamit ng grupo sa pamamaril; Rio Mahilom, alias “ James”, 35-anyos, umano’y isa sa triggerman; Marvin Casas, alias “ Baloy” , driver na sumundo sa gunman na si Buluran mula Rizal papuntang Sta. Maria.

Sinabi ni Boiser na nagbigay na ng kani- kanilang extrajudicial confession sina Evangelio at Buluran katulong ang kanilang abogado kung saan inamin ng mga ito na inupahan sila ni Cuento ng P100,000 para patayin si Diamante.

Sina Evangelio at Buluran ay naaresto ng mga pulis sa isang engkuwentro makaraan barilin si Diamante. ARMAN CAMBE