KABUUANG P129.39 milyon ang halaga ng pinsalang idinulot ng pagsabog Kanlaon sa sektor ng pagsasaka.
Ito ay ayon sa Department of Agriculture (DA).
Nakaapekto sa kabuhayan ng kabuuang 1,431 magsasaka mula sa Negros Island at nakapinsala sa mahigit 580 ektarya ng mga sakahan ang pagputok ng Mt. Kanlaon.
Malaking porsyento ng naturang danyos ay sa sektor ng high value crops na nagtala na ng P124.93 million. Ito ay katumbas ng 5,311 tonelada ng mga agri products.
Sumunod ang rice industry na tinatayang aabot sa mahigit tatlong milyong pinsala.
Naka-standby naman ang P1 billion na quick response fund ng DA na maaaring magamit sa rehabilitation at recovery ng mga lugar na naapektuhan sa tuloy-tuloy na pag-alboroto ng naturang bulkan.