(Sa pagsasagawa ng bakuna) ROBIN PADILLA TUMULONG SA MUSLIM COMMUNITY

INASISTEHAN ni TV/movie actor Actor Robin Padilla ang mga miyembro ng grupong Muslim.

Kapatiran na naghintay ng kanilang pagkakataon sa pagsasagawa ng ika-22 mobile COVID-19 vaccination ng lokal na pamahalaan.

Ang Mobile Vaccination Program (MVP) na pinamunuan ni Dr. Jefferson Pagsisihan, medical director of Ospital ng Paranaque 1 and 2 (OsPar 1 & 2), ang siyang nagsasagawa ng drive-thru vaccinations bukod pa sa pagbibisita sa villages and subdivisions para magbigay ng bakuna.

Noong nakaraang Biyernes ay nagsagawa ang MVP team ng drive-thru vaccination sa Barangay BF Homes kung saan sinamahan ni Padilla ang kanyang mga kamag-anak at mga kapatid na Muslim habang nakapilang naghihintay ng kanilang pagkakatoan para maturukan ng bakuna.

Sinabi ni Pagsisihan na sa kanilang isinagawang drive-thru vaccination site sa lugar ay nakapagbigay sila ng bakuna sa 660 inibidwal kabilang na ito sa 7,082 indibidwal na naturukan na ng bakuna ng MVP.

Sa post naman sa Facebook page ng Paranaque External and Home­ow­ners Affairs (PEHA) na pinamunuan ni Eva Nono, nagpasalamat si Padilla sa binuong MVP program ng lungsod na malaking bagay at tulong para sa mga residente ng lungsod.

Sinabi pa ni Padilla kay Nono na ang naturang proyekto ng lungsod ay napaka-epektibo lalo na sa pag-obserba ng social distancing.

Ang MVP team ay nagtutungo din sa mga subdibisyon at villages upang magbigay ng bakuna sa mga residente na napapabilang sa vulnerable sector.

Napag-alaman din kay Nono na ang MVP ay binuo noong Mayo 22 ng kasalukuyang taon upang magsagawa ng baksinasyon sa mga subidibsyon at villages kung saan mayroong mataas na bilang ng kaso ng COVID-19.

Dagdag pa nito, tumutulong din ang MVP team sa mga nais mabigyan ng bakuna sa kanilang mga lugar kaysa magtungo pa ang mga residente sa mga vaccination sites sa lungsod. MARIVIC FERNANDEZ

133 thoughts on “(Sa pagsasagawa ng bakuna) ROBIN PADILLA TUMULONG SA MUSLIM COMMUNITY”

  1. Excellent way of telling, and fastidious piece of writing to obtain data regarding my presentation topic, which i am going to convey in institution of higher education.

Comments are closed.