SA PAGSISIMULA NG SIMBANG GABI NCR ISASAILALIM SA RED ALERT STATUS

NAKATAKDANG isailalim ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa red alert status ang buong rehiyon sa Disyembre 16 o ang pagsisimula ng siyam na araw na tradisyunal na Simbang Gabi.

Sinabi ni NCRPO chief Major Gen. Jose Melencio Nartatez na bawat simbahan ay may mga nakatalagang pulis para magbantay sa mga nagsisimba.

Ang nasabing hakbang ay kasunod ng nangyaring pambobomba sa Mindanao State University na ikinasawi ng apat katao.

Ani Nartatez, wala silang intensiyon na takutin ang mga tao sa paglagay ng red alert status dahil ito ay normal lamang sa pulisya tuwing mayroong mga malaking okasyon.

Nakatakdang ilabas ang 75 percent ng mga pulis para magbigay ng seguridad sa ibat- ibang lugar sa bansa.

EVELYN GARCIA