(Sa pagsisimula ng vaccination sa Las Pìñas City) 300 PERPETUAL HELP MEDICAL CENTER FRONTLINERS NABAKUNAHAN NA

PORMAL nang sinimulan noong Martes ng Las Piñas City Government ang vaccination program na may temang “Ligtas na Las Piñero, Lahat Bakunado” para sa mga residente sa lungsod.

Pasado alas-9 ng umaga nang pangunahan nina Las Piñas City Vice-Mayor April Aguilar at Dr. Ma. Paz Corrales,Assistant Regional Director ng Department of Health-National Capital Region (DOH-NCR) ang simbolikong seremonya ng pagbabakuna para sa 300 medical frontliners sa loob ng vaccination site sa University of Perpetual Help System Dalta –Las Piñas Gymnasium na pagmamay-ari ni Chairman at Brigadier General, Dr. Antonio Laperal Tamayo.

Kabilang sa tatlong unang nabakunahan ng Sinovac vaccine mula sa Republic of China, ang mga medical frontliner na sina Dr. Jose Edzel Tamayo,Medical Affairs Executive Officer ng Perpetual Help Medical Center ; Elvie Carandang, Finance and Accounting Manager at Neil Jaymalin,Chief of Staff ng ospital.
Bandang alas-9:45 ng umaga nang unang turukan ng Sinovac vaccine ni Public Health Nurse 1 Angela May Villanueva si Dr. Tamayo habang masusing nakamasid sina Vice-Mayor Aguilar at Dr. Corrales bilang hudyat naman nang pagsisimula ng malawakang pagbabakuna sa ating lungsod.

Tinawag pa ni Dr. Corrales na “COVID-19 influenzer” ng lungsod ang tatlong unang medical front-liners na nakatanggap ng bakuna ng Sinovac na instrumento ng pang-iimpluwensiya o paghihikayat sa mga taga-Las Piñas na agad magpabakuna dahil ginto ang bakuna para sa mga may ginintuang puso.

Target ng Lokal na Pamahalaan na nasa ilalim ni Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” T. Aguilar, na mabakunahan ang lahat ng mga Las Pineros matapos masiguro ang nasa 500,000 doses na vaccine makaraang maglaan ito ng P250 milyong pondo para sa pagbili ng karagdagang bakuna kontra COVID-19 sa lungsod.

Bukod rito, pinasalamatan din ni VM Aguilar ang pamilya Tamayo at ng buong pamunuan ng UPHSD sa pagpapagamit ng kanilang pasilidad upang gawing vaccination site para sa medical front-liners sa lungsod.

Dumalo rin sa seremonya sina City Administrator Reynaldo Balagulan, mga miyembro ng City Council at mga doctor ng CHO na sina Dr. Ferdinand Eusebio, Dr. Julie Gonzales,Dr. ELeenor Gumpal, Dr. Julio Javier, at department heads. ROSE LARA

43 thoughts on “(Sa pagsisimula ng vaccination sa Las Pìñas City) 300 PERPETUAL HELP MEDICAL CENTER FRONTLINERS NABAKUNAHAN NA”

Comments are closed.