DAHIL sa banta ng Delta variant ng COVID-19, nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng magpatupad ang pamahalaan ng mas mahigpit na quarantine classifications para makaiwas sa naturang sakit.
Sinabi ng Pangulo na seryosong nakaalarma ang ulat ng DOH at dapat na mabahala ang gobyerno.
Maaring ipagbawal ang mga mass gatherings para maiwasan ang paglaganap ng Delta variant.
Pinayuhan din ng Pangulo ang Department of the Interior and Local Government na mahigpit na ipatupad ang mga kasalukuyang restrictions.
Sa pinakahuling talaan ng DOH, 35 na Delta variant cases na ang naitala sa Filipinas kung saan 11 rito ay local cases.
827532 505552Yay google is my world beater assisted me to locate this great internet site! . 432231