(Sa pagsunod sa safety protocols vs sakuna) MGA KOMPANYA KA-KAUSAPIN NG DOLE

DOLE3

UPANG matiyak na tumutugon sa safety protocols na naglalayung makaiwas na mabiktima kapag may sakuna, ka-kausapin ng  Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga kompanya.

Magsasagawa rin ang mga ito ng reklamo dahil sa hindi pagsunod sa safety protocols ng tumama ang magnitude 6.1 na lindol.

Ayon kay Assistant Labor Secretary Benjo Benavidez, na may mga inspector na sila na ipapakalat para iberepika ang nasabing ulat.

Hindi na muna nito binanggit ang nasabing kompanya su­balit marami itong natanggap na reklamo.

Nauna rito, kinalampag ng ilang grupo ang ilang mga kompanya na pinabalik agad ang kanilang empleyado matapos ang lindol.

Sa reklamo ng grupo, giit ng mga ito na dapat tiniyak muna ng kompanya na ligtas at walang sira ang gusali bago tuluyang pabalikin ang kanilang mga empleyado. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.