(Sa pagtaas ng kaso ng COVID-19) RESIDENTE PINAG-IINGAT SA HOLIDAY GATHERINGS

PINAALALAHANAN ang mga residente ng Quezon City sa mga isinasagawang get together lalo na ngayong holiday season dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 .

Ayon pa sa LGU, mag-ingat sa mga sinasagawang get-together at year-end activities matapos maitala ng QC Epidemiology and Surveillance Unit (QCESU) ang pagtaas ng COVID-19 cases sa lungsod nitong nakalipas na mga Linggo.

Itinaas sa red status alert sa COVID-19 bilang maagang warning system sa Quezon City matapos maitala ang daily average cases mula noong Disyembre 4 hanggang 7 na may nasa 27 cases.

Tinatayang nasa 57.9% na mas mataas kumpara sa nagdaang Linggo na average, habang ang average positivity rate sa lungsod ay nasa 14.55%.

Aabot naman sa 0.85 habang ang forecasted reproduction number 1 sa average daily attack rate per 100,000 population sa lungsod.

Ayon kay QCESU Chief Dr. Rolando Cruz, isa sa dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID ay ang sunud-sunod na parties ngayong Christmas season at ang pagluluwag sa COVID restrictions gaya ng pagsusuot ng face masks. PAULA ANTOLIN