NORA AUNOR AYAW NANG PAG-USAPAN SINA BOYET AT PIP

Nora Aunor

NANG tanggihan nina Christopher de Leon at Tirso Cruz III ang project na hotshotspagsasamahan nilang tatlo ni Nora Aunor na ididirek ni Joel Lama­ngan ay si Philip Salvador at Michael de Mesa kaagad ang napisil ni Direk ipalit sa dalawang actor.

Pero hindi kaagad matanggap ni Ipe ang project dahil hindi na raw ito marunong umarte at tu­maba pa. Hindi pumayag si Direk at kinulit nito  si Ipe na pumayag din maging husband ni Nora sa movie.

“Nakaka-miss  din kasing umarte pero ang feeling ko ngayon, scared dahil bukod kay Nora, magaling din ang kasama kong si Michael de Mesa at yung ibang kasama sa movie,” ang naging dahilan ni Kuya Ipe.

Natanong naman si Ate Guy kung nasigawan na siya ni Direk Lamangan sa limang pelikulang kanilang pinagsamahan.

“Hindi pa po,” ang tugon ng Supertar.

“Kasi mahusay siya,” ang pagtatanggol agad ni Direk Joel.

Nang hingan ng reaction si Ate Guy na hindi natuloy na maging kapareha niya sina Tirso at Boyet sa naturang movie?

“Naku, ‘wag na na­ting pag-usapan ‘yan, dahil may edad na tayo. Pagbigyan na lang natin kung ano ang desisyon nila. Magagaling din namang  actor ang kasama ko na sina Kuya Ipe at Michael,” say ng Superstar.

Sana lang ay tama ang istorya ng movie na pagsasamahan nina Kuya Ipe, Michael at Ate Guy para pag-usapan ito at dumugin sa mga sinehan.

DENNIS AT JENNYLYN  NAGHARANA SA LRT STATION PARA SA MGA BULAG NA SINGER   

TUMAWAG ng pansin ang ginawang paghaharana ng magdyowang Dennis Trillo at JENNYLYN and DennisJennylyn Mercado bilang mga “bulag singer” sa LRT 1 Roosevelt Station kama­kailan.

Dahil sa ginawa ng dalawang sikat na personalidad ay labis ang pasasalamat  ng mga may kapansanan o Person With Disabiiity (PWD) dahil lahat ng kanilang nalikom sa pagkanta ay ipinagkaloob nila sa mga PWD.

Ginawa nila ang ginagawa ng mga bulag, PWD sa LRT station na paghaharana para matulungan makaipon ng mas mara­ming pera ang mga naturang PWD.

Dahil sa ginawa nina Jen at Dennis ay marami ang bumilib dahil maging ang mga hindi nakaugalian magbigay ng limos sa mga bulag na kumakanta sa LRT Station ay nagbigay ng kanilang biyaya.

Bihira nga naman sa mga sikat na artista ang maglaan ng oras para gawin ang ganoong bagay kaya naman sobrang pagpapahalaga at kasiyahan ang nadama ng mga PWD at mga tagahanga sa ginawa nina Jennylyn at Dennis nang araw na iyon.

JERIC GONZALES ISASABAK NA SA MATURE ROLE

HINDI rin na-balewala ang ginawang preparasyon ni Jeric Gonzales para sa action JERIC GONZALESteleserye na Rosang Agimat kasama sana si Eddie Garcia kung ‘di ito naaksidente at pumanaw.

Nabigyan naman agad siya ng bagong serye na pagbibidahan kung saan makakasama niya si Alice Dixson sa isang May-December affair story, kaya mapapasabak siya sa nag-aapoy na eksena.

Wala pang title ang seryeng pagsasamahan nila ni Miss Alice at tama lang ang naging desisyon ni Jeric na mag-iba ng image dahil 26 years old na siya.

Uso na rin naman ngayon ang tema ng May-December affair stories  tulad ng pinag-usapang Glorious na pinagtambalan nina Angel Aquino at Tony Labrusca, Belle Douleur nina Mylene Dizon at Kit Thompson at ang upcoming film na Just A Stranger nina Anne Curtis at Marco Gumabao.

Ang tanong ay mayroon din daw ba kissing scene na mala-Glorious na eksena sina Jeric at Alice?

Comments are closed.