MINDANAO- SA pagtatapos ng taong 2023 inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na namarkahan ito ng sunod -sunod na pagwawagi sa kanilang kampanya laban sa terorismo at pagsusulong ng national security and regional peace.
“These accomplishments pave the way for a dynamic and capable AFP in 2024,” ayon kay AFP Spokesman Col Xerxes Trinidad.
Sa pagbabalik tanaw ng Hukbong Sandatahan, bunsod ng tuloy-tuloy na mas pinaigting na military operations noong nakalipas na taon, na-neutralize ng tropa ng pamahalaan ang 67 high-value individuals na kasapi ng communist and local terrorist groups sa bansa.
Ayon sa AFP kabilang sa napatay ang top leaders ng mga teroristang grupo na kinilalang sina Dionisio Macabalo, alyas Muling o Kardo na Secretary ng North Central Mindanao Regional Committee, at Farahudin Pumbaya Pangalian, alyas Abu Zacharia na Amir ng Daulah-Islamiya Philippines at overall Amir ng Islamic State-East Asia.
Nitong nakalipas na taon din tuluyang napatahimik ng Sandatahang lakas ang nasa 1,399 kasapi ng communist and local terrorist groups, kasama na rito ang pagkakarekober ng militar sa 1,751 mga armas.
Tiwala ang pamunuan ng AFP na malaking dagok ito sa mga teroristang grupo at tiyak na nagpahina sa kanilang kakayahan na magsagawa ng mga opensiba laban sa tropa ng pamahalaan at sa mga komunidad.
“The AFP has achieved a significant milestone by dismantling eight (8) and weakening 14 guerilla fronts of the Communist Terrorist Group (CTG). As of December, there are no more active CTG guerilla fronts,” pahayag pa ni Col Trinidad.
Dahil sa tagumpay sa Internal Security Operation ay nagsisimula ng ipihit ng AFP ang kanilang focus tungo sa Territorial Defense Operations .
Samantala dahil sa mga naitalang tagumpay ay nakamit ng AFP ang high satisfaction ratings ng +85% sa pinakahuling survey na ginawa ng OCTA Research.
“At the beginning of a new year, new challenges and opportunities arise, demanding the collective efforts and expertise of the AFP. However, I am confident that we will rise to the occasion and overcome whatever obstacles come our way. Therefore, let us embrace the coming year with a reinforced commitment to our mission and shared values,” pahayag pa ni AFP Chief of Staff General Romeo S Brawner Jr. VERLIN RUIZ