TINAPOS ng Pilipinas ang 2023 na may bagong record-high na P14.62 trillion na utang, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).
Sa datos ng BTr, ang outstanding debt ng bansa ay nagkakahalaga ng P14.616 trillion hanggang katapusan ng Disyembre 2023, tumaas ng 8.92% o P1.20 trillion mula sa end-December 2022 level na P13.18 trillion.
Month-on-month, ang utang ng bansa ay tumaas ng 0.74% mula P14.508 trillion noong Nobyembre 2023.
Sa kabuuang utang ng bansa, 68.5% ang local debts habang 31.5% ang mula sa foreign borrowings.
Ang domestic debt ay nasa P10.2 trillion, tumaas ng 8.97% year-on-year subalit bumaba ng 0.06% mula sa end-November 2023 level “primarily attributed to the net redemption of government securities.” Ang external debt ng bansa ay umabot sa P4.6 trillion noong nakaraang taon, tumaas ng 9.21% year-on-year at 2.54% month-on-month dahil sa net availment ng foreign debt na nagkakahalaga ng P88.2 billion (kabilang ang $1 billion maiden issuance ng Islamic bonds at disbursement ng program loans mula sa ADV na nagkakahalaga ng $300 million).”
“Furthermore, the impact of third-currency adjustments against the US dollar added P28.45 billion which was slightly offset by the P2.67 billion effect of peso appreciation against the US dollar,” ayon sa BTr.