SA PAGTATAPOS NG TAON…

PUSONG PANALO

SA araw na ito ay ipinagdiriwang natin ang Rizal Day at inaalaala natin ang mga sakri­pisyo ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Sa gitna ng pag-aabala natin at paghahanda para sa pagdiriwang ng Bagong Taon, sana ay makahanap tayo ng panahon upang maisama natin si Gat Jose Rizal sa ating araw.

Maaari tayong magbasa ng bahagi ng kanyang libro, manood ng pelikula tungkol sa kanyang buhay, isama ang mga bata sa museo sa Fort Santiago, o ‘di kaya naman ay magkuwento tungkol sa kanyang buhay at mga ideya sa mga kabataan sa ating tahanan.

Patuloy nating inaa­lala ang buhay ni Rizal at ang mga ipinaglaban niya noon sapagkat ang mga isyung ito ay mahalaga pa rin sa kasalukuyang panahon. Kung tutuusin, marami sa mga isyung ipi­naglaban niya at ng a­ting mga bayani ay isyu pa ring kinakaharap ng mga Filipino ngayon.

o0o

Sa pagsasara ng taong 2019, nais kong banggitin ang mga kaganapang pang-ekonomiya na siyang naging highlight ng taon. Ayon ito sa talumpati ng ating Socioeconomic Planning Secretary na si Ernesta Pernia na kanyang ibinigay ilang araw na ang nakalilipas sa opisina ng NEDA.

Ayon kay Pernia, ilan sa mga pagsubok na dinaanan ng bansa sa larangan ng ekonomiya ay ang El Niño na ating dinanas noong tag-init, na human-tong sa kakulangan ng tubig sa maraming lugar; ang pagkaantala ng pagpasa ng ating 2019 budget; at ang trade war sa pagitan ng US at China. Ilan lamang ito sa matitinding hamon na ating binuno nitong nagdaang taon. (Itutuloy…)

Comments are closed.