(Sa pagtaya ng BMI) BUDGET DEFICIT NG PH LILIIT SA 2024

INAASAHANG liliit ang fiscal deficit ng bansa ngayong taon, ayon sa Fitch Group unit BMI.

Sa isang report na inilabas nitong Martes, sinabi ng BMI na inaasahan nito na ang budget deficit ng Pilipinas ay papalo sa 5.5% ng gross domestic product (GDP) ng bansa ngayong taon, mas mababa sa 6.2 percent na naitala noong 2023.

“This narrowing would mark the third consecutive year the budget shortfall shrinks, a reflection of the current administration’s push for fiscal consolidation,” nakasaad sa report.

Kasabay nito ay inaasahan ng BMI na lalago ang ekonomiya ng bansa ng 6.2 percent ngayong taon, kaugnay sa downgraded target ng pamahalaan na 6.0 percent hanggang  7.0 percent mula sa dating 6.5 percent hanggang 7.5 percent target range.

Ang utang ng pamahalaan ay naitala sa 61.1 percent ng GDP na nakalipas na taon, na inaasahan ng BMI na bababa sa 52.0% sa pagtatapos ng administrasyong Marcos sa  2028.

Inaasahan din ng BMI na patuloy na lalago ang revenue collection ng bansa sa harap ng mga polisiya na naglalayong mapalawak ang tax base feed. Sa pagtaya ng BMI, ang revenue collection ay papalo sa 16.3% ng GDP sa pagtatapos ng 2028.

Pagdating sa paggasta, tinataya ng BMI na mag-a-average ito ng 20.2% sa pagtatapos ng 2028.